If this is a toll of me not going to church every Sundays; if this is a toll of me thinking of myself too much; if this is a toll of me being inconsiderate of other’s feelings; if this is a toll of me being too happy when others are sad; if this is a toll for my every sin, then I’m sorry.
Last night, I prayed. Kinausap ko si Lord bago ako matulog. Sabi ko, “Siguro totoo ang kasabihin na madaling sabihin ngunit mahirap gawin, di ba Lord? Dahil bakit si M at si P hindi magawang iwan ang isa’t isa eh super obvious naman na they are not doing any good to each other. Hindi na healthy ang pagsasama nila. Bakit pa umuuwi si P gayon natutulog lang siya sa bahay? Ang weird.”
Habang sinasabi ko ito, naisip ko ang sarili ko nuon. Naisip ko nuon nagmahal ako nuon college days. Dalawang taon rin akong hindi nakapag-move on dahil sa kanya. Dalawang taon akong hindi nagmahal at walang sawang naghintay sa wala. May dumating nga, umalis rin naman.
Duon ko naintindihan si M at si P. Actually, hindi ko sila naintindihan pero alam ko kung bakit hindi nila maiwan ang isa’t isa. Ito ay as dahilan na mahirap unawaan hangga’t hindi mo nararanasan magmahal at masaktan. Ang gulo noh. Pero alam kong naiintindihan niya kung bakit. Alam kong hindi na nila mahal ang isa’t isa, ni hindi nga man lang sila naguusap. Siguro isang dahilan kung bakit hindi nila maiwan ang isa’t isa ay dahil sa mga nagawa nila sa isa’t isa at sa mga bunga ng kanilang pagmamahal.
Sa pag-iisip ko nito, bumalik ako kay Lord, “Eh bakit mo pinagsasama ang dalawang tao na alam mong hindi naman magtatagal? Bakit kailangan may mamagitan sa kanilang dalawa gayon nuon ay pinagsama mo sila?
“Sabi nga nila, there are things better left unsaid. Pero if that silence is raking up more problems, dib a dapat magsalita na ang isa? Dapat magsalita na ang isa sa kanila.”
Siguro sinagot rin ako ni Lord ng tanungin ko siya dahil naisip ko na naman ang naging sitwasyon ko nitong mga nakaraang buwan lang. Siguro kung naririnig ko si Lord, sasabihin niya sa akin, “eh bakit hindi ka nagsalita sa mahal mo nuong nasasaktan ka na niya? Bakit hinayaan mo na lang masira ka at ang pagkakaibigan niyo ng dahil sa galit na nadama mo laban sa taong mahal mo?”
Nang maisip ko ito, isa lang ang lumabas na dahilan: TAKOT. Ewan ko pero being afraid can really destroy a person. Hindi ko alam ang kinakatakutan ng ibang tao pero sa akin, natatakot akong umiyak, mag-isa, malungkot at masaktan.
Sinagot ulit ako ni Lord, “Hindi ka ba nasaktan ng hindi ka magsalita?” “Nasaktan,” “tingnan mo.”
No guts, no glory nga sabi nila. Lalo na sa love. Masasaktan ka kapag ayaw sa iyo ng mahal mo. Pero kapag natakot kang sabihin sa isang tao na mahal mo siya, masasaktan ka rin sa pinaggagawa niya at sa pagbale wala niya sa iyo. Na sa katunayan, hindi ka naman niya binabalewala. Wala naman kasi siyang responsibilidad sa iyo, hindi naman kayo. Ikaw lang at siya lang, walang kayo. “Nasaktan ka na, umaasa ka pa. Yan ang nangyari sa iyo nang matakot ka Chicco,” sabi ni Lord sa akin.
Sa aking pagdarasal kagabi, narealize ko na lahat ng gusto kong gawin ni M at ni P ay hindi madali. Kaya ako natakot sabihin sa kanya yun dahil natatakot akong mareject. Natakot akong makasakit ng iba. Natatakot akong saktan ang sarili ko. Ganoon din siguro sila.
Hindi ko alam kung ano ang kinatatakutan nila kaya ayaw nilang harapin ang kanilang problema. Pero isa alng ang sigurado ako, may kinatatakutan rin sila.
Lahat ng gawin ng isang tao may masamang dulot sa iba. May masasaktan kapag masaya ang isa, may masaya kapag may nasaktan. Ngunit sa bawat saya at sa bawat sakit na nadadama ng tao, may magandang naidudulot ito sa isang tao, isang magandang leksyon sa buhay.
“Marami akong kasalanan, Lord. Kaya kung itong mangyayari sa akin ay kabayaran para sa mga nagawa kong masama, sorry na.”
If this is a toll of me not going to church every Sundays; if this is a toll of me thinking of myself too much; if this is a toll of me being inconsiderate of other’s feelings; if this is a toll of me being too happy when others are sad; if this is a toll for my every sin, then I’m sorry.
______________________________________________________
para sa iyo (kilala mo na kung sino ka):
I still have faith in our friendship. I still believe in our friendship. And it still lives inside of me kahit hindi tayo nagkikita.
With this, I also believe that we can make amendments. Maaayos rin ito. Believe me.
Hope to see you soon, prolly we will talk by then. I will take care of myself as long as you take care of yourself too. And hey, thank you for visiting my blog! 