January 3rd, 2005
ito na naman ako...
bagong taon na, kailangan mag bagong buhay...
pero anong magagawa ko kung hindi ko siya malayuan? anong magagawa ko kung siya pa rin ang sigaw ng puso ko? alam kong sobrang baduy pero anong magagawa ko kung yan ang totoo?
kagabi, masaya akong nasa tabi ko siya. masaya ako ng makita ko siyang nakangiti sa akin. masaya ako na naguusap kami tungkol sa mga bagay bagay. masaya akong hawak ang kamay niya.
pero ang tanong matapos ang isang gabi, masaya ba talaga ako? masaya pa ba ako ngayong hindi ko na siya kasama?
ayokong lokohin ang sarili ko at ipilit na hindi ako nasasaktan at hindi ako nagiisip. tao lang ako, marunong magmahal. at marunong rin masaktan. gusto kong murahin ang sarili at puso ko pero bakit pa? ilan beses ko na itong namura ngunit may nangyayari ba? wala. lagi na lang ganito. paulit-ulit. nakakahilo. masakit.
katabi ko lang siya kagabi ngunit ngayon ay hinahanap ko na naman siya. hawak ko rin ang kanyang kamay ngunit ngayon ay gusto ko siyang mayakap. ang lungkot ng buhay ko. gusto kong umiyak. pero sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak. gusto ko ng sumaya. pero paano ako sasaya kung hindi ko makapiling ang mahal ko? paano ako sasaya kung siya lang ang iniikot ng mundo ko. paano ako hindi iiyak kung iisang tao lang ang nais kong makasama at makapiling ngunit hindi mo siya maghagkan man lang.
bakit ganito ako? gusto ko laging nasasaktan. ang dami naman nakapaligid sa aking ibang tao ngunit bakit lagi kong gusto dun sa taong ayaw sa akin? o dun sa taong may mahal na iba? mahirap magmahal ng iba kung iisang tao lang ang gusto mong mahalin.
sakit ba ito? o gusto ko lang masaktan? masaya ako sa tuwing nasa tabi ko siya ngunit kapag gising ko kinabukasan na wala siya sa tabi ko nararamdaman ko ang sakit. ang sakit ng aking pag-iisa.
ito na naman ako...
kelan ako matututo?
bagong taon na...
kailangan magbagong buhay.

Posted by occihc08 at 01:27 PM | 1 loved me!